Sunday, May 21, 2017

Filipino Declamation Piece - Walang Forever

Walang Forever



“Ay, Magkikita na kami sa wakas!” Napatilo ako nang mabasa ko ang mensahe ni Andoy. “Hoy! Bakit ka naman makkipagkita dyan, eh hindi mo naman kakilala yan. Mamaya mapahamak ka pa dyan eh,” sabi ni Filomena, ang aking matalik na kaibigan. “Alam mo, ikaw, kontrabida ka talaga. Ano naman? Kaya nga makikipagkita eh para makilala ko na itong ka-textmate ko sa personal. At saka, isasama ko naman kayo. Doon kami Magkikita sa Busay,” sagot ko. “Aba, at idinamay mo pa kami,” sabi niya. Tumalikod ako at nagpapadyak. Wala pa man ay kinikilig na ako. Naiisip ko na kung ano ang itsura niya. Siguro, kamukha siya ni James Reid. Mayroon siyang anim na pan de sal, tapos, yung mala-Adonis niyang braso. Oh, my!
Ano kaya isusuot ko? Ito ba? Ito kaya? Eto? O Eto? Uhm, ang hirap namang pumili. Dapat sexy ako tignan pero mukha pa ring mahinhin. “Pahiram naman ako ng bestida mong itim Filo,” sabi ko sa aking kaibigan. “Bestida? Sa Busay? Yung totoo? May pictorial ka? Tanong niya. Ang damot mo naman. Siyempre, bestida muna. Para mukhang presentable tignan. Magbabaon na lang ako ng pampaligo. Yung one piece para mareveal ang aking sexy body,” sagot ko. “Sige na nga, bahala ka.”

Makalipas ang ilang araw, dumating ang aking pinakahihintay na pagkakataon. Halos di ako makatulong at makakain sa sobrang pananabik. Hindi ko na mahintay ang mamaya at sa wakas, Makikita ko na ang aking prince charming. O, aking irog na Andoy!

“Lilit, ikaw bay an?” tanong ng isang boses na makikilala ko yata kahit saan ko marinig. Pagharap ko, halos hindi ko mapigilan ang sarili na manlumo. Walang James Reid, walang pan de sal, walang Adonis, walang himala! “Ah, ikaw bas i Andoy?” tanong ko. Natawa siya. “Parang hindi ka naman masaya na makita ako ah,” sabi niya. “Hindi ah. Masaya naman no? Siyempre.” Sagot ko sa kanya. “Ang ganda mo pala lalo sa personal,” sabi niya na may ngiti sa mga labi. “Uhm, maliit na bagay. Wag mo nang sabihin, uy. Nahihiya ako eh. Char lang.”

Pinakilala ko siya sa aking mga kaibigan. Medyo dismayado man, naging masaya naman ang aming kwentuhan dahil mahilig siyang magpatawa. Hindi ko man nagustuhan ang kaniyang itsura pero at least, napagtanto ko na wala naman sa itsura ang pagmamahal. Nagkalapit kami at hindi naglaon, naging kami na.

Tatlong buwan na kaming magkarelasyon nang una kaming mag-away. “Mahal mo ba ako talaga?” tanong ko. “Oo naman,” agad niyang sabi. “Yung profile pic ko, nakita mo ba?”tanong ko. “Oo, ni-like ko pa nga eh. Ang ganda mo dun. Proud ako sa iyo,” sabi niya. “Proud ka? Seryoso ka diyan?” agad kong sabi. “Oo. Seryoso ako. Palagi naman akong seryoso pagdating sa iyo,” sabi niya. “Ayoko na. Niloloko mo lang ako. Hindi mo ako mahal,” sabi ko. “Bakit naman?” tanong niya. “Hindi mo pinusuan. Kung talagang mahal mo ako, hindi lang dapat like. Dapat puso! Puso!” paliwanag ko. “Yun lang? Ganun kababaw? Sasayangin mo ang tatlong buwan?” tanong niya. “Mabuti nang masayang ang tatlong buwan na nakaraan kaysa masayang ang mga susunod pang taon.” Sagot ko sabay alis. Hindi niya ako hinabol. Hindi niya ako pinigilan. Hindi niya ako tinawag. Hindi niya ako mahal.

Pinunit ko ang lahat ng aming litrato. Binura ko ang numero niya sa cellphone ko. Inunfriend ko siya sa Facebook. Binlock ko pa. Bitter na kung bitter pero nasaktan ako. Nagbilin ako sa nanay ko na kapag pumunta siya, sabihin na wala ako, natutulog, may sakit. Sakit sa puso na hindi magamot-gamot nino man.

Hindi siya pumunta. Walang bakas ni anino niya.
Ngayon, alam ko na. Walang forever. Bakit kaya?

Isinulat nina Ma. Angelica M. Domingo at Keana B. Regalado
Binigkas ni Keana B. Regalado

Jawili Integrated School